Kumasa ang Kamanggagawa Partylist sa hamon ni Navotas Representative Toby Tiangco na ilahad ng mga mambabatas ang kani-kanilang budget allocations at proposed projects sa ilalim ng 2027 national budget.
Ayon kay Kamanggagawa Party-list Representative Eli San Fernando, wala silang hiniling o ipinasok na anumang infrastructure project sa panukalang 2027 budget.
Giit ni San Fernando, zero ang kanilang infrastructure allocation at wala silang hiniling na kahit isang pisong proyekto.
Kasabay nito, hinamon din niya ang House Committee on Appropriations na ilabas ang kumpletong detalye ng iniulat na ₱190-billion na amendments at budget insertions.
Kabilang dito ang pangalan ng mga mambabatas na nagpanukala, mga proyekto, lokasyon at katumbas na halaga ng mga ito.
Binigyang-diin niyang karapatan ng publiko na malaman kung saan napupunta ang pera ng buwis, kaya dapat ilantad ng Kamara ang lahat ng amendments at insertions sa 2027 budget.