Pangkalahatang naging mapayapa sa panig ng Manila Police District (MPD) ang paggunita ng Undas 2026.
Sa panayam ng Bangon, Bayang Mahal kay MPD Spokesperson Major Philipp Ines, sinabi nitong wala namang naitalang anomang untoward incident sa paggunita ng Undas sa apat na sementeryong binantayan ng MPD.
Pagdating naman sa crowd estimate simula ng i-activate ang Full Alert status ng PNP ay pumalo sa mahigit dalawang milyong katao ang bumisita sa mga sementeryo sa Maynila kung saan mayorya nito ay mula sa Manila North Cemetery.
Naging matagumpay din ang kampanya ng PNP sa pagpapaalala sa mga dumalaw sa sementeryo dahil mas kakaunti na ang nakumpiska nilang ipinagbabawal na gamit sa loob ng sementeryo.
Gayundin payapa at walang anomang naitalang anomang krimen tulad ng pagnanakaw sa mga sementeryo na binabantayan ng MPD.