Naging mapayapa at maayos sa kabuuan ang paggunita ng Undas 2026 sa Quezon City, ayon yan sa Quezon City Police District.
Sa pahayag ng QCPD, sinabi nitong walang anumang major untoward incident ang naitala sa lungsod sa panahon ng Undas.
Kabilang sa ipinatupad na security measures ng QCPD ang pagkumpiska sa mga ipinagbabawal na gamit sa iba’t ibang sementeryo gaya ng mga patalim, alak, lighter, sigarilyo, vape at mga ipinagbabawal na panlinis.
Nag-deploy din ang QCPD ng mga pulis sa mga transport hub at iba pang matataong lugar sa lungsod at nagtayo rin ng Police Assistance Desks para tumulong sa publiko.
Kaugnay nito, nagpasalamat si QCPD Acting District Director Police Brig. Gen Christopher Olazo sa dedikasyon ng mga pulis sa pagbabantay at pagbibigay-serbisyo sa publiko.
Kinilala rin niya ang suporta ng mga barangay tanod, security personnel, at force multipliers gayundin ang naging pakikiisa ng publiko.

