Inaasahan ng karamihan sa mga bangko sa Pilipinas na mananatiling matatag ang pamantayan sa pagpapautang at loan demand sa huling quarter ng 2026.
Batay sa pinakabagong Senior Bank Loan Officers’ Survey (SLOS) ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), humigit-kumulang 80.8% ng mga respondent bank ang nag-uulat na walang pagbabago sa kanilang pamantayan sa pagpapautang para sa mga negosyo o enterprise loans.
Samantala, 85.7% naman ang nag-aabang ng stable na pamantayan para sa mga household loans.
Mas matataas ang mga figures na ito kumpara sa naitala noong Q3 2026, na nagpapakita ng paggalaw tungo sa mas matatag na lending standards.
Inaasahan din ng mga bangko na mananatiling matatag ang pangkalahatang demand sa pautang sa Q4 2026, kasabay ng mga senyales ng mas malakas na demand mula sa mga borrower.
Inaasahan ng karamihan sa mga bangko ang pagbabago sa credit standard ngayon naghigpit ng monetary policy na nagdulot ng mas “moderate” ng pagalaw sa enterprise and household loans.