Bukod sa kakulangan ng tubig at posibleng kakulangan ng suplay ng palay, isa sa dapat bigyang-prayoridad at paghandaan ang mga peste sa sakahan na nagsusulputan kapag mainit ang panahon.
Sa Kapihan sa Manila Bay, sinabi ni Philippine Chamber of Agriculture and Food Incorporated (PCAFI) President Danny Fausto na mahalagang mapaghandaan din ng mga magsasaka at ng gobyerno ang pagpuksa sa mga peste sa palayan na madalas dumarami o nagsisilitawan sa mainit na panahon gaya ng armyworm o harabas.
Sinang-ayunan naman ito ng Department of Agriculture.
Kaya tiniyak ni Food Security and DA Spokesperson Asst. Sec. Arnel De Mesa na sapat ang suplay ng pesticide sa bansa para labanan ang inaasahang pagdami at pag-atake ng peste.