Ilang lalawigan sa bansa ang nakaranas na ng kakulangan sa ulan, sa gitna ng very strong El Niño na kasalukuyang umiiral sa tropical Pacific.
Ayon sa PAGASA, limang lalawigan ang nakaranas ng tagtuyot o matinding kakulangan sa ulan noong Oktubre, batay sa kanilang pinakahuling drought assessment.
Habang 11 naman ang nasa ilalim ng dry spell, at 10 ang nakaranas ng mas kaunting ulan kaysa karaniwan.
Ngayong Nobyembre, inaasahan ang below normal hanggang way below normal na pag-ulan sa malaking bahagi ng bansa, kasabay ng mas mainit kaysa karaniwang temperatura.
Inaasahang tatagal ang very strong El Niño hanggang sa unang kalahati ng 2027, at posibleng umabot sa pagsapit ng katapusan ng taon.
Gayunman, maaari pa ring makaranas ng malalakas na pag-ulan dahil sa mga bagyo at iba pang weather system.
Kaya hinihikayat ng PAGASA ang publiko at mga kinauukulang ahensya ng pamahalan na magtipid sa tubig.