Hiniling ng mga abogado ni former House Speaker at Leyte Rep. Martin Romualdez kay Ramon Tulfo na burahin ang social media post nito na nagsasabing nakalalabas umano ng detention facility ang mambabatas.
Sinabi ito ng legal counsel ni Romualdez sa kanilang pagharap sa pagdinig ng Sandiganbayan 3rd Division ngayong araw.
Sa kanilang manifestation, sinabi ng kampo ni Romualdez na nagpadala sila ng liham kay Tulfo para hilingin ang pagtanggal sa naturang post.
Pormal namang itinanggi ng kampo ni Romualdez ang mga alegasyon.
Ngayong umaga, humarap din sa anti-graft court ang mga opisyal ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) para magbigay ng testimonya kaugnay ng kustodiya kay Romualdez.