Tiniyak ng mga lider ng Kamara na tatanggalin sa panukalang 2027 national budget ang mga proyektong kulang sa dokumento o walang tama at beripikadong geotag.
Ayon kay Appropriations Vice Chair Arnie Fuentebella, simple lamang ang magiging patakaran ng House leadership: kapag kulang ang dokumento, tanggal ang proyekto.
Binigyang-diin din ni FPJ Panday Bayanihan Party-list Representative Brian Poe, Vice Chair din ng Appropriations Committee, na hindi nila tatanggapin sa Bicameral Conference Committee (Bicam) ang mga proyektong walang kumpletong papeles at tamang coordinates.
Kasunod ito ng mga ulat tungkol sa 355 infrastructure projects na nagkakahalaga ng humigit-kumulang anim na bilyong piso na umano’y may problema sa dokumentasyon.
Gayunman, hiniling ni Appropriations Senior Vice Chair Albert Garcia na tukuyin ang mga naturang proyekto upang ma-verify ng Kamara sa mga kinauukulang ahensya.