Idaraos ngayong araw, November 11, sa Maynila ang 2026 ASEAN Inclusive Growth Summit, na magsasama-sama sa mga lider mula sa negosyo, pamahalaan, at civil society.
Sa temang “Resilient and Rising,” tatalakayin sa summit ang artificial intelligence, digital transformation, turismo, maliliit na negosyo, at iba pang oportunidad para sa inklusibong paglago ng ekonomiya sa Southeast Asia.
Kabilang sa mga kumpirmadong tagapagsalita sa pagtitipon sina Hollywood actress at humanitarian Angelina Jolie, international performer Lea Salonga, at mga lider ng negosyo mula sa Pilipinas at iba pang bansa sa ASEAN.
Isinasagawa ang nasabing kaganapan kasabay ng ASEAN Summit sa bansa at bahagi ng serye ng mga pagtitipon para palakasin ang kooperasyon at sustainable growth sa rehiyon.