Kinumpirma ng Philippine Ports Authority na mahigpit pa rin ang ipinatutupad nilang seguridad at pagbabantay sa mga pantalan kasunod ng malaking bilang ng mga pasaherong bumiyahe dahil sa long weekend dulot ng ginaganap na ASEAN Summit.
Sa panayam ng programang BOSES kay PPA Spokesperson Eunice Samonte, sinabi niyang mula sa dating 7,000 daily passenger count ng PPA ay dumoble ito at pumalo sa 15,000 daily passenger count bunsod ng long weekend dahil sa idineklarang non-working holiday sa Metro Manila.
Mas hinigpitan din ng PPA ang monitoring sa mga pantalan patungo sa mga major tourist destinations tulad na lamang ng Batangas Port.
Ilan pa sa mga pantalan na nakapagtala ng pagtaas ng bilang ng mga pasahero ang Port of Calapan, Port of Marinduque at Quezon.
Hindi rin nagpapatumpik-tumpik ang PPA sa anomang emergency situations dahil sa biglaang paglobo ng mga bumibiyaheng pasahero.