Lumahok ang Philippine Coast Guard (PCG) sa ikalawang Korea-ASEAN Marine Pollution Response Forum at technical training sa pagtugon sa hazardous at noxious substances o mapanganib na kemikal sa Yeosu, South Korea, noong November 9 hanggang 13.
Kinatawan ng PCG sina Commander Jazzyneth Ilao at Lieutenant Gerald Cordero sa naturang aktibidad na naglalayong palakasin ang regional cooperation, technical knowledge, at kahandaan sa pagtugon sa marine pollution incidents, partikular sa mga mapanganib na kemikal at alternative marine fuels.
Nagpresenta si Commander Ilao ng Philippine framework sa paghahanda at pagtugon sa hazardous and noxious substances incidents, habang lumahok naman si Lieutenant Cordero sa international panel discussion tungkol sa epektibong preparedness at aktuwal na response capabilities.
Ayon sa PCG, sa pamamagitan ng naturang forum, patuloy nilang pinapalakas ang kakayahan ng bansa at pakikipagtulungan sa mga regional partner para matiyak ang mas ligtas, malinis, at protektadong karagatan.