Itinanggi ni Ako Bicol Party-list Representative Jan Almario Chan na may kinalaman ang kanilang party-list group sa umanoy karagdagang ₱3.7 billion infrastructure allocation para sa unang distrito ng Camarines Sur sa panukalang 2027 national budget.
Sa isang pahayag, iginiit ng kinatawan na walang kahit isang pisong infrastructure fund na hiniling o inilaan para sa kanilang party-list.
Nilinaw rin nina Chan at Representative Alfredo Garbin Jr. na hindi sila humiling, nag-sponsor, o nagpasok ng anumang budget insertion kaugnay ng nasabing halaga.
Tugon ito ng mambabatas sa lumabas na ulat na umabot sa ₱9.74 billion ang panukalang infrastructure budget ng unang distrito ng Camarines Sur, mula sa dating ₱5.99 billion sa National Expenditure Program (NEP).