Inihayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na nananatili ang kumpiyansa ng mga investors sa Pilipinas para maglagak ng kanilang pamumuhunan sa bansa.
Ayon sa Pangulo, mismong ang mga negosyanteng kanyang naka-business meeting sa sidelines ng APEC Summit ang nagsabing patuloy ang kanilang kumpiyansa sa economic development ng Pilipinas.
Sinabi ni Pangulong Marcos na ang pagbabago sa ilang aspeto ng pamamalakad sa ekonomiya gaya ng pagbibigay ng insentibo ay isang rason para magsilbing attractive investment destination ang bansa.
Dagdag ng Pangulo, ang presensya ng mga business leaders na kanyang nakaharap at nakapulong nitong APEC Summit sideline activities ay kahayagan aniya ng kanilang nananatiling tiwala sa takbo ng ekonomiya ng Pilipinas.
Ilan sa mga nakapulong niya sa biyaheng China ng Pangulo ay ang C&U Group, Panhua Group Company at Mingyang Smart Energy Group, gayundin ang executives ng EV vehicle manufacturer na BYD.