Male professional engineer installing solar photovoltaic panel system, Electrician mounting
Iminungkahi ni Abra Rep. JB Bernos na pag-aralan ng pamahalaan ang pagpapatupad ng nationwide subsidy program para sa paglalagay ng solar panels sa mga kabahayan.
Kasunod ito ng paglulunsad ng Thailand ng 50-billion-baht solar energy program na magbibigay ng subsidiya na 50-thousand baht kada kabahayan para sa rooftop solar installation.
Ayon kay Bernos, makabubuting pag-aralan ng Pilipinas ang kaparehong programa upang matulungan ang mga pamilyang makatipid sa gastusin sa kuryente sa pamamagitan ng paggamit ng renewable energy.
Una nang inihain ng mambabatas ang House Bill 3126 o On-Grid Solar Energy Systems Bill na nag-aatas sa paglalagay ng solar energy systems sa lahat ng national at local government buildings upang mapababa ang konsumo sa kuryente.
Giit ng kongresista, kung mapatutunayang malaki ang matitipid ng mga kabahayan at makatutulong ito sa pagpapatatag ng suplay ng kuryente, magiging kapaki-pakinabang itong programa para sa publiko.
Mga pagbabago
Wala akong nakitang kailangang baguhin sa gramatika, baybay, at bantas. Maayos na ang pagkakabuo ng mga pangungusap.
Pinanatili ang orihinal na Filipino-English wording at mga terminong ginamit.