Dahan-dahan nang nagsisilbing sentro o hub ang Pilipinas sa Asia kung pag-uusapan ay pamumuhunan, teknolohiya at pakikipagtulungan sa ibang mga bansa.
Ito ang sinabi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kasunod na rin ng pahayag ng mga nakapulong nitong investors sa sidelines ng nagdaang APEC Summit.
Ayon sa Pangulo, nasa gitna ang Pilipinas ng halos lahat dahilan para ito’y magsilbing hub at sentro ng negosyo, teknolohiya at ugnayang pang-ekonomiya sa Asya.
Naging bahagi aniya ito ng diskusyon sa kanyang mga dinaluhang business meetings, kung saan nagpahayag ng paniniwala ang mga investors na makatutulong sa kanila ang Pilipinas sa harap ng nararanasang economic shocks dulot ng nagpapatuloy pa ring US-Iran conflict.
Kung tutuusin, dagdag ng Pangulo, kahit walang shocks ay masasabi talagang magandang investment destination ang Pilipinas.