Umabot na sa 2,342 barangay sa anim na rehiyon sa bansa ang naapektuhan ng El Niño.
Ayon sa pinakahuling ulat ng Department of Social Welfare and Development – Disaster Response Operations Monitoring and Information Center, nasa 219,004 na pamilya o katumbas ng 581,601 indibidwal ang apektado sa Regions II, V, XII, CALABARZON, MIMAROPA at CARAGA.
Samantala, mahigit ₱312.98 milyon na ang halaga ng humanitarian assistance na naipamahagi ng DSWD sa mga apektadong pamilya.
Mayroon pa ring mahigit ₱5.22 bilyong halaga ng relief resources ang ahensya na nakahanda para sa patuloy na pagtugon sa pangangailangan ng mga apektadong mamamayan.