Minamadali ng Philippine Coconut Authority ang replanting sa 128,000 coconut trees sa Eastern Visayas sa harap ng inaasahang pagtindi pa ng El Niño.
Layon nitong mapabuti pa ang survival ng mga bagong tanim na binhi at palitan ang mga puno ng niyog na hindi na productive.
Ayon kay PCA-Eastern Visayas Manager Marlon Terrado, mahigit kalahati na ng replanting target ang nakumpleto para sa ikaapat na quarter at sisikaping matapos ang iba pa sa mga nalalabing linggo.
Una na kasing sinabi ng PAGASA na maaaring pumalo ang peak ng El Niño sa katapusan ng 2026 at tatagal sa first half ng 2027.
Mamamahagi naman ang PCA ng insentibo sa mga magsasaka para mas mahikayat pa na lumahok sa programa.
Target ng Eastern Visayas na makapagtanim ng isang milyong puno ng niyog, kung saan halos kalahati nito ay naitanim na sapul nang simulan ang program noong 2023.
📸 PCA