Pagbabayad ng multa sa clamped vehicles, maaari nang gawin online sa San Juan City

Mas pinadali ng Lokal na Pamahalaan ng San Juan ang pagbabayad ng multa para sa mga nahuhuling ilegal na pumaparada sa lungsod. Sa pamamagitan ng pag-scan ng QR Code ay maaari nang bayaran sa City Treasury online ang multa, nang hindi na dumadaan sa San Juan City Hall. Ayon kay San Juan City Mayor Francis… Continue reading Pagbabayad ng multa sa clamped vehicles, maaari nang gawin online sa San Juan City

“Swimming” pinasasama bilang subject sa K-12 curriculum

Pinasasama ng isang mambabatas sa K-12 Curriculum bilang subject o aralin ang swimming. Paliwanag ni Probinsyano Ako Party-list Representative Rudys Caesar Fariñas, pangunahing layunin ng kaniyang House Bill 7476 o “Drowning Prevention Act,” na mabawasan ang mga insidente ng pagkalunod na nauuwi sa pagkamatay sa tuwing mayroong “natural calamities” o “recreation aquatic activities.” Oras na… Continue reading “Swimming” pinasasama bilang subject sa K-12 curriculum

Presyo ng mga nakumpiskang smuggled sugar na ibebenta sa Kadiwa Stores, kayang ibaba sa Php50-60 kada kilo

Para kay Senador Risa Hontiveros, dapat ay Php50 to Php60 kada kilo ang bentahan sa Kadiwa Stores ng mga smuggled na asukal na nakukumpiska ng pamahalaan. Matatandaang kamakailan ay inanunsiyo ng Malacañang na ibebenta ngayong Abril ang mga nakumpiskang asukal sa Kadiwa Stores sa presyong Php70 kada kilo. Paliwanag ni Hontiveros, sa kanilang pagkwenta ay… Continue reading Presyo ng mga nakumpiskang smuggled sugar na ibebenta sa Kadiwa Stores, kayang ibaba sa Php50-60 kada kilo

Ilang pantalan sa Bicol, suspendido na ang operasyon dahil sa bagyong Amang

Pansamantalang suspendido ang mga biyahe ng mga sasakyang pandagat sa ilang bahagi ng Bicol dahil sa Tropical Depression Amang. Sa inilabas na abiso ng Philippine Ports Authority (PPA), wala nang biyahe mula kaninang alas-5 ng umaga ang rutang Port of San Andres, Catanduanes patungong Port of Tabaco, Albay. Wala na ring biyahe ang mga sumusunod… Continue reading Ilang pantalan sa Bicol, suspendido na ang operasyon dahil sa bagyong Amang

Sen. Bong Go sa DMW: Maglatag na ng plano para sa OFWs sa Taiwan

Hinimok ni Senador Christopher ‘Bong’ Go ang Department of Migrant Workers (DMW) na maglatag ng mga hakbang para maprotektahan ang mga Pilipinong nasa Taiwan sakaling sumiklab ang gulo sa pagitan ng China at Taiwan. Ito ay kasunod na rin ng pagpapadala ng China ng warships at aircrafts sa Taiwan Strait, matapos bumisita sa Estados Unidos… Continue reading Sen. Bong Go sa DMW: Maglatag na ng plano para sa OFWs sa Taiwan

House panel chair, suportado ang pagresolba ng DILG sa kaso ni dismissed PMSgt Rodolfo Mayo

Tiniyak ni House Committee on Dangerous Drugs Chair Robert Ace Barbers na suportado ng Kamara ang hakbang ng Department of the Interior and Local Government (DILG), na tuluyang maresolba ang kinasangkutang kaso ni dismissed Police Master Sergeant Rodolfo Mayo. Kasunod ito ng pahayag ni DILG Secretary Benhur Abalos na mayroong pagtatangkang cover up sa kaso… Continue reading House panel chair, suportado ang pagresolba ng DILG sa kaso ni dismissed PMSgt Rodolfo Mayo

Airline personnel na sangkot sa human trafficking, pinaiimbestigahan

Hinikayat ng pamunuan ng Bureau of Immigration (BI) ang mga opisyal ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na imbestigahan ang posibleng pagkakasangkot ng ilang airline personnel sa human trafficking. Kasunod ito nang pagkakadiskubre, na kasabwat ang ilang airline personnel sa pagproseso ng dokumento ng isang pasahero o biktima ng human trafficking at ng illegal recruitment… Continue reading Airline personnel na sangkot sa human trafficking, pinaiimbestigahan

MERALCO, magpapatupad ng bawas singil sa kuryente ngayong Abril

Magpapatupad ng mahigit Php11 bawas singil ang Manila Electric Company (MERALCO) ngayong buwan ng Abril. Ayon sa MERALCO, bunsod ito ng pagbaba ng ipinapataw na generation charge nitong buwan ng Marso na dinagdagan pa ng ipinagpalibang pangongolekta ng generation cost, na katumbas ng Php0.20 sentimos kada kilowatt hour ngayong buwan. Dahil dito, mababawasan ng Php24… Continue reading MERALCO, magpapatupad ng bawas singil sa kuryente ngayong Abril

Paglikha ng trabaho na mataas ang demand, dapat pagsumikapan ng gobyerno sa kabila ng pagbuti ng labor market — NEDA

Nananatiling committed ang pamahalaan na palakasin ang lagay ng paggawa at paglikha ng mataas na kalidad ng trabaho sa bansa sa kabila ng pagbuti ng employment statistics. Ito ang pahayag ng National Economic and Development Authority (NEDA) kasunod ng ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) na tumaas sa 48.8 million ang nagkaroon ng trabaho nitong… Continue reading Paglikha ng trabaho na mataas ang demand, dapat pagsumikapan ng gobyerno sa kabila ng pagbuti ng labor market — NEDA

NDRMMC naka blue alert sa Tropical Depression “Amang”

Naka blue-alert ngayon ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Operations Center bilang paghahanda sa Tropical depression “Amang”. Sa pahayag ni Office of Civil Defense Spokesperson Assistant Secretary Raffy Alejandro kaninang umaga, posibleng itaas ang red alert depende sa magiging sitwasyon. Magsasagawa aniya ng Pre-Disaster Risk Assessment, upang madetermina ang alert status na… Continue reading NDRMMC naka blue alert sa Tropical Depression “Amang”