Iba’t ibang tanggapan ng pamahalaan, nagtutulungan upang masiguro ang kaligtasan ng publiko ngayong tag-ulan

Puspusan na ang koordinasyon ng MMDA sa mga lokal na pamahalaan, para sa pagsasagawa ng imbentaryo sa mga informal settler sa kanilang lugar, na magiging basehan naman ng Housing Department para sa isinasagawang relokasyon. Ito ayon kay MMDA Spokesperson Melissa Carunungan ay bahagi sa mga ginagawa nilang hakbang upang maprotektahan ang publiko, ngayong nakararanas na… Continue reading Iba’t ibang tanggapan ng pamahalaan, nagtutulungan upang masiguro ang kaligtasan ng publiko ngayong tag-ulan

Mga miyembro ng MILF at MNLF na pumasa sa qualifying exam, sasalain pa bago makapasok sa PNP

Iniulat ni PNP Spokesperson Police Col. Jean Fajardo na 7,000 mula sa 11,000 miyembro ng Moro Islamic Liberaton Front (MILF) at Moro National Liberaton Front (MNLF) ang nakapasa sa special qualifying exam para maging miyembro ng PNP. Pero nilinaw ni Fajardo na sasalain pa ang mga ito bago tanggapin bilang mga pulis. Sa 7,000 aniyang… Continue reading Mga miyembro ng MILF at MNLF na pumasa sa qualifying exam, sasalain pa bago makapasok sa PNP

Tribung Mamanwa sa Surigao del Norte, nakabenepisyo sa Pabahay ng NHA Caraga at Claver LGU

Tinanggap naman ito ng Mamanwa Tribal Leader na si Alicio Patac na isa sa mga dumulog sa kanilang tanggapan para magkaroon ng maayos na matitirhan ang kanilang tribu.| 📸 LGU Claver

COMELEC Iligan City, nakapagtala ng halos 2k kaso ng double o multiple registration

Paliwanag din ng Election Officer na patuloy pa ang kanilang paglilinis ng kanilang listahan ng mga multiple registrations kaya’t hindi pa sila makakapagbigay ng saktong bilang ng total registered voters sa Iligan City.

Higit 2,000 katao, nakinabang sa inilunsad na “Lab for All” caravan sa Central Luzon – DILG

Mahigit sa 2,141 beneficiaries ang nag-avail ng libreng healthcare services sa “Laboratoryo, Konsulta, at Gamot para sa Lahat” (Lab for All) caravan sa Central Luzon. Ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos Jr., magkasunod na inilunsad ang Lab for All Program sa San Fernando City sa Pampanga at sa… Continue reading Higit 2,000 katao, nakinabang sa inilunsad na “Lab for All” caravan sa Central Luzon – DILG

HAPAG sa Barangay Project inilunsad sa Western Visayas

Nagdaos ng regional launching para sa Halina’t Magtanim ng Prutas at Gulay (HAPAG) sa Barangay Project ang Department of Interior and Local Government (DILG) at Department of Agriculture (DA) sa Brgy. Calumpang Community Garden, Molo, Iloilo City ngayong Miyerkules, Hunyo 21. Layunin ng proyekto na mapataas ang kapasidad at mapanatili ang agrikultural na aktibidad sa… Continue reading HAPAG sa Barangay Project inilunsad sa Western Visayas

Philippine Airlines, nagsuspinde ng biyahe sa ilang bansa dahil sa kakapusan ng eroplano

Pansamantalang nagkansela ng kanilang biyahe ang tinaguriang flag carrier ng bansa na Philippine Airlines (PAL). Ito ay sa harap na rin ng usapin hinggil sa kakulangan ng mga eroplano ng nasabing airline company. Kabilang sa mga pansamantalang kinansela ng PAL ay ang mga biyahe nito patungong Canada, Hong Kong, Kansai, Fukoka at Narita sa Japan… Continue reading Philippine Airlines, nagsuspinde ng biyahe sa ilang bansa dahil sa kakapusan ng eroplano

Defense Sec. Gilbert Teodoro, nanguna sa isinagawang Command Conference ng DND at AFP ngayong araw

Pinangunahan ni Defense Secretary Gilbert Teodoro ang isang Command Conference kasama ang mga opisyal ng Armed Forces of the Philippines (AFP). Kasama ni Sec. Teodoro si AFP Chief of Staff, General Andres Centino kung saan tinalakay ang operasyon ng AFP, mga plano nito sa hinaharap sa usapin ng modernisasyon, at ang defense legislative agenda. Tinalakay… Continue reading Defense Sec. Gilbert Teodoro, nanguna sa isinagawang Command Conference ng DND at AFP ngayong araw

Sen. Pia Cayetano sa mga magulang: Makinig sa mga eksperto ukol sa pagpapabakuna ng mga anak

Hinimok ni Senador Pia Cayetano ang mga nanay na makinig sa payo ng mga medical professional at health workers tungkol sa kahalagahan ng pagpapabakuna ng kanilang mga anak. Binigyang diin ng senador, na huwag pansinin ang fake news tungkol sa mga bakuna na kumakalat sa mga social media platform. Ipinunto ni Cayetano ang balita kamakailan… Continue reading Sen. Pia Cayetano sa mga magulang: Makinig sa mga eksperto ukol sa pagpapabakuna ng mga anak

Pasay LGU, magsasagawa ng Mega Job Fair sa June 30

Magsasagawa ang Pamahalaang Lungsod ng Pasay ng isang Mega Job Fair sa June 30, na gaganapin sa Music Hall ng SM Mall of Asia mula 8 AM hanggang 4 PM. Aabot sa higit 2,000 bakanteng trabaho ang naghihintay para sa mga aplikanteng pupunta sa job fair na lalahukan ng 50 kumpanya. Mayroon ding one-stop shop… Continue reading Pasay LGU, magsasagawa ng Mega Job Fair sa June 30