Courtesy of Department of Energy
₱885 million na halaga ng kuryente ang natipid ng Department of Energy (DOE) mula nang ilunsad ang Oras Natin Efficiency o ONE Program.
Ayon kay Energy Secretary Sharon Garin, sa paglulunsad ng programa kagabi (June 5, 2026) sa BGC, Taguig, ito ay katumbas ng 73,000 megawatts ng kuryente mula noong March 19, 2026.
Sa ilalim ng programa ay tuwing alas-otso hanggang alas-nuebe ng gabi ay magpapatay ng mga hindi kinakailangang kuryente ang mga mall para makatipid ng kuryente.
Sa ngayon nasa 212 malls na sa bansa ang nakikiisa rito.