Binigyang-diin ni House Lead Prosecutor at Batangas Rep. Gerville Luistro na dapat pag-aralang mabuti at ikonsidera ng bagong liderato ng Senado ang pagsasagawang muli ng oath-taking ng Senate Impeachment Court.
Ito’y upang maiwasan ang ano mang constitutional questions sa pagpalit ni Senate President Pro Tempore Sherwin Gatchalian bilang Presiding Officer ng Senate Impeachment Court.
Ani Luistro, makikipag-ugnayan sila kay Gatchalian hinggil sa retaking ng oath ng Senator-Judges upang hindi na maantala pa ang nakatakdang pag-arangkada ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.