Suportado ni Lead Prosecutor Gerville Luistro ang panukalang special session upang umayos ang Senado bago ang nakatakdang paglilitis ni Vice President Sara Duterte.
Ayon kay Luistro, handa siyang suportahan ang special session kung ito ay makatutulong upang maibalik ang kaayusan sa upper chamber ng Kongreso.
Ginawa ni Luistro ang pahayag kasunod ng pagbabago sa pamunuan ng Senado.
Aniya, sa ngayon, wala pa silang natatanggap na opisyal na impormasyon kung matutuloy ang special session, ngunit umaasa siyang magkakaayos na ang mga
miyembro ng bagong mayorya at dating liderato.
Ang mahalaga ani Luistro, ay magpatuloy ang institusyon sa pagpapatupad ng constitutional mandate ng mga mambabatas.
Sa kabila ng mga kaguluhang at komosyon na nasaksihan ng publiko, dapat manatiling on track ang paghahanda sa impeachment trial, at ipagpatuloy ang tungkulin ayon sa Constitution na ipinagkaloob sa sambayanang Pilipino.