PNP
Regular lamang at walang emergency ang naging pakikipagpulong ni Department of the Interior and Local (DILG) Secretary Jonvic Remulla sa mga opisyal ng Philippine National Police (PNP) sa Camp Crame.
Ito ang nilinaw ni PNP Public Information Office Chief PCol. Allen Rae Co matapos kumalat sa social media ang mga pahayag na nagpatawag umano si Remulla ng emergency meeting sa mga regional director at directorial staff ng PNP.
Matatandaang may ilang post sa social media na nagsasabing magkakaroon ng malaking pagkilos sa June 12 na lalahukan ng ilang retiradong opisyal ng militar at pulisya, gayundin ng mga religious group.
Ayon kay Co, bahagi lamang ito ng regular oversight functions ng kalihim. Aniya, walang unsual at urgent sa naturang pagpupulong dahil normal na tungkulin ng kalihim ang magsagawa ng mga ganitong pagpupulong.
Kabilang aniya sa mga natalakay ang paghahanda sa seguridad para sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., mga usapin sa Senado, at ang Safer Cities Initiative. |