Imbes na subpoena ay isang sulat na lang ang ipadadala ng National Bureau of Investigation (NBI) kay Ginang Nancy Dela Rosa, ang may-bahay ni Senador Bato Dela Rosa, kaugnay pa rin ng nangyaring shoot-out sa Senado.
Ayon kay NBI Director Atty. Melvin Matibag, nais lamang nila na mabigyang-linaw ang naging mensahe ni Ginang Dela Rosa kay Senador Alan Peter Cayetano, at kung naging kasangkapan ang nangyaring insidente sa Senado sa pagtakas ni Senador Bato.
Samantala, iginiit naman ng NBI na naniniwala silang nasa loob pa ng bansa si Senador Bato Dela Rosa.