Ibinunyag ng National Bureau of Investigation o NBI na mayroon itong natanggap na impormasyon ukol sa panunuhol umano sa 18 ex-Marines.
Ayon kay NBI Dir. Atty. Melvin Matibag, merong dumulog sa kanilang tanggapan at nagbahagi ng salaysay ukol sa nabanggit na alegasyon.
Aniya’y ang indibidwal na ito ay isiniwalat na nagkaroon ng bayaran at panunuhol sa 18-ex marines para lamang humarap sa publiko at tumestigo sa isyu ng korapsyon.
Batay sa salaysay nito, limang milyong piso ang ibinayad bawat isa sa mga dating sundalo.
Nag-isyu na rin ng subpoena ang NBI kay dating Congressman Mike Defensor na itinuturong nagbigay ng suhol sa mga ex-marine.