Iminumungkahi ni dating Finance Secretary Margarito “Gary” Teves na dapat mapanatili ng pamahalaan ang pagbaba ng inflation rate sa PIlipinas.
Sa programang Bangon Bayang Mahal, sinabi ng dating kalihim na ang dapat tutukan ay ang food inflation, transport inflation at ang pagtaas ng presyo ng kuryente.
Aniya, ito ang mga pangunahing nakakaapekto sa ekonomiya at mga kinokonsidera sa mga negosyo at investment na pumapasok sa Pilipinas.
Dapat din aniyang bigyan ng suporta ang mga magsasaka, manufacturers at consumers para tuluyang makabawi ang ekonomiya.####