Inilunsad ng Department of Education (DepEd) ang Project HANDA para sa mabilis at istratehikong pamamahagi ng resources na makatutugon sa pangangailangan ng mga pampublikong Paaralan ngayong magbubukas na ang klase sa June 8.
Ito’y ayon kay Education Secretary Sonny Angara, kasabay ng patuloy na monitoring sa kahandaan ng mga paaralan sa bansa.
Sa pamamagitan nito, maagang makapagtatala at makapamamahagi ng mga kagamitan at pondong kinakailangan sa mga lugar na higit na nangangailangan.
Binigyang-diin ni Angara na ang proyektong ito ay direktang tugon sa utos ng administrasyon na wakasan ang pagpapasya nang walang matibay na basehan sa pamamahala ng edukasyon.
Malaki ang maitutulong nito upang mas mapakinabangan ang mga susunod na alokasyon ng pondo at mapabilis ang pagpapadala ng mga tulong sa mga gusali at pasilidad.


