Aftershocks kasunod ng magnitude 7.8 na lindol sa Sarangani, higit 100 na
Patuloy pa rin ang pagyanig sa Mindanao kasunod ng malakas na lindol sa bahagi ng Sarangani, kaninang umaga.
Ayon sa tala ng PHIVOLCS, umabot na sa 138 ang aftershocks hanggang kaninang alas-11 ng umaga.
Mula sa bilang na ito, siyam ang may kalakasan at naramdaman ng mga residente.
Ang mga ito ay may lakas na nasa pagitan ng magnitude 1.3 hanggang 6.7
Una nang sinabi ng PHIVOLCS na posible ang mga pinsala sa imprastraktura, malalakas na aftershock, at maging ang banta ng tsunami kasunod ng malakas na lindol.#