Naalis na ang mga lupa’t bato na tumabon sa bahagi ng kalsada sa Barangay Bulaan sa bayan ng Buug, Zamboanga Sibugay.
Matapos ang maagap na clearing operation, muli nang binuksan ang naturang kalsada.
Naganap ang pagguho ng lupa sanhi ng malakas na buhos ng ulan.
Ang operasyon sa paglilinis ay isinagawa sa pamamagitan ng pinagsamang pagsisikap ng Department of Public Works and Highways Regional Office-9 (DPWH-9), DPWH Zamboanga Sibugay 1st District Engineering Office, Lokal na Pamahalaan ng Buug, at ng Bureau of Fire Protection (BFP).
Ang maagap at mabilis na pagresponde ay nag-alis ng mga naipong lupa at bato mula sa pagguho, at nagpanumbalik ng ligtas at maayos na daanan para sa mga residente, byahero, at sa paghahatid ng mga produkto at mga essential supply sa iba’t ibang bahagi ng Zamboanga Peninsula.
Bilang pagtalima sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na tiyakin ang pagiging handa ng pamahalaan sa panahon ng mga sakuna, at kasunod ng utos ni DPWH Secretary Vince Dizon na panatilihing nakahanda ang mga kagamitan at response team ngayong tag-ulan, agarang nagpadala ang mga tauhan at kagamitan ang DPWH upang linisin ang apektadong bahagi ng kalsada.
Ang operasyon ay nagpapakita ng dedikasyon ng DPWH na tiyakin ang kaligtasan ng publiko, at mapanatili ang koneksyon ng kalsada sa gitna ng masamang panahon.
📸 DPWH Regional Office-9


