Para matiyak ang kaligtasan ng mga estudyante ngayong Balik Eskwela na, nag-deploy ang Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela ng Bantay Estudyante volunteers sa mga paaralan.
Ayon sa LGU, karamihan sa mga volunteer ay mga senior citizen na isinailalim pa sa pagsasanay para mapalakas ang kanilang kakayahan sa pagpapanatili ng kaayusan at kaligtasan sa paligid ng mga paaralan.
Nasa 150 Bantay Estudyante volunteers ang ide-deploy sa District 2, kung saan tumanggap din sila ng safety kits na gagamitin sa kanilang tungkulin sa pamamahala ng trapiko at kaligtasan ng mga mag-aaral.
Una na ring namahagi ang LGU ng balik-eskwela kits sa mahigit 78,000 mag-aaral mula kindergarten hanggang elementarya sa 44 na pampublikong paaralan sa ilalim ng Education 360 Degrees Investment Program Plus.
📸 Valenzuela LGU

