DOLE, prayoridad ang kaligtasan ng manggagawa kasunod ng magnitude 7.8 na lindol sa Mindanao
Agad sinuspinde ni Labor Secretary Francis Tolentino ang pasok sa lahat ng DOLE offices sa Davao at SOCCSKSARGEN Region.
Ito ay para matiyak ang kaligtasan ng mga kasamahan kasunod ng magnitude 7.8 na lindol sa Mindanao.
Ayon sa kalihim, dapat prayoridad ang kaligtasan ng mga manggagawa lalo na sa panahon ng sakuna.
Pinaalalahanan din ni Labor Secretary Tolentino ang mga pribadong Sektor na maAari ding magsuspinde ng pasok para sa kaligtasan ng manggagawa base sa Labor Advisory No. 15, Series of 2025 dahil sa natural disasters at kahalintudad na sitwasyon.