Generally peaceful kung ituring ng Philippine National Police (PNP) ang pagbubukas ng klase sa mga paaralan ngayong araw sa buong bansa.
Ito ang inisyal na pagtaya ng PNP kung saan, wala silang naitalang anumang untoward incident sa mga paaralan.
Ayon kay PNP Public Information Office Acting Chief, Policr Col. Allen Rae Co, aabot sa 230,575 ang nakakalat na mga tauhan mula sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan.
Mahigit 58,000 rito ayon kay Co, ay mula sa PNP kabilang na ang kanilang mobile patrol units at deployed foot patrol.
Katuwang nila rito ang nasa mahigit 8,000 mula ibang PNP unit at mahigit 162,000 na force multipliers.