Patuloy ang Philippine Coast Guard (PCG) sa search and rescue operations para sa mga naapektuhan ng magnitude 7.8 na lindol sa ilang bahagi ng Mindanao.
Nag-deploy ang PCG ng mga specialized unit sa isang gumuhong commercial building sa Barangay Calumpang, General Santos City noong June 8.
Dalawang search and rescue dogs ang nagsagawa ng paneling operations sa nasabing istruktura upang tumulong sa paghahanap ng mga posibleng biktima.
Agad na ipinasa sa Incident Command Post ang lahat ng natukoy na impormasyon upang makatulong sa mas pinaigting na search and rescue operations.
Ayon sa PCG, patuloy itong nakikipag-ugnayan sa iba pang ahensya ng pamahalaan bilang bahagi ng disaster response efforts at nakahandang magdeploy ng karagdagang tauhan at kagamitan para sa mga apektadong komunidad. | ulat ni Lorenz Tanjoco
📸 PCG
