Papalo sa mahigit isang bilyong piso ang halaga ng mga napinsalang imprastraktura sa Mindanao matapos ang nangyaring 7.8 na lindol.
Ayon kay Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon, posibleng lumaki pa ang naturang halaga habang nagpapatuloy ang kanilang ginagawang pag-iikot sa lugar.
Matatandaang base sa kautusan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ay agad lumipad patungong GenSan si Dizon at iba pang mga kalihim para i-assess ang lawak ng pinsala ng nasabing lindol.
Sa inisyal na pag-iikot ni Dizon ay sinabi nitong maraming tulay ang hindi muna madadaanan at agad nilang ipapaayos.
Gayundin ang magiging aksyon sa iba pang establisyemento gaya ng mga paaralan at mga ospital.