Lumobo pa ang bilang ng mga aftershocks sa Mindanao kasunod ng tumamang Magnitude 7.8 na lindol sa Sarangani kahapon.
Sa tala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology [PHIVOLCS), umabot na sa 989 aftershocks ang naitala mula nang tumama ang malakas na lindol.
Sa naturang bilang, 289 ang natukoy na ang lokasyon habang 20 naman ang naramdaman ng mga residente.
Naglalaro naman sa magnitude 1.3 hanggang 6.7 ang lakas ng mga naitalang aftershocks.
Paliwanag pa ng PHIVOLCS, posibleng tumagal ng ilang buwan ang pagyanig ng mga aftershock kasunod ng ganitong kalakas na lindol.
Ayon sa ahensya, karaniwan ang malalakas na lindol sa Cotabato Trench, na isang aktibong tectonic feature sa katimugang bahagi ng bansa.