Naghahanda na ang House prosecution panel para sa mga susunod na yugto ng impeachment proceedings laban kay Vice President Sara Duterte, sa kabila ng umiinit na girian sa Senado.
Ito ay matapos makapagsumite ang mga prosecutor ng kanilang manifestation bilang tugon sa reply ng kampo ng Bise Presidente.
Sa ngayon, tinatrabaho na ng prosecution panel ang mga kinakailangang dokumento batay sa inilatag na timeline na naunang inanunsyo ng dating Senate President Alan Peter Cayetano.
Ayon kay Batangas Representative Gerville Luistro, inaasahang haharap ang prosecution team sa impeachment court sa June 18 para sa pre-trial conference, habang nakatakda naman sa July 6 ang unang araw ng paglilitis.
Puspusan na rin ang paghahanda ng mga prosecutor para sa pre-trial brief na isusumite sa June 15 alinsunod sa itinakdang iskedyul.
Sinabi naman ni Akbayan Party-list Representative at Prosecutor Chel Diokno na kabilang sa pre-trial brief ang stipulation of facts, listahan ng mga testigo, mga ebidensya, at testimonya na ihaharap sa paglilitis.