Patuloy ang pagpapadala ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng karagdagang tulong para sa mga komunidad na naapektuhan ng magnitude 7.8 na lindol sa Mindanao.
Ayon sa DSWD, agad na nagpadala ang Mindanao Disaster Resource Center ng libo-libong food at non-food items bilang tugon sa augmentation requests ng mga lokal na pamahalaan.
Mapupunta sa SOCCSKSARGEN ang karagdagang supplies kabilang ang 20,000 Family Food Packs, 380 water filtration kits, 289 family clothing kits, 450 sleeping kits, at 87 family tents.
Ito ay para matiyak na may sapat na pagkain, malinis na tubig, at iba pang pangunahing pangangailangan ang mga pamilyang naapektuhan ng lindol.
📸 DSWD

