Nagpadala na ng mga personnel ang 33 electric cooperatives sa Mindanao para mapabilis ang power restoration efforts sa mga lugar na naapektuhan ng Magnitude 7.8 na lindol.
Ayon sa National Electrification Administration (NEA), kabuuang 185 personnel na ang ipinadala kabilang ang mga leadman, lineman, operator, at clearing crew pati 42 equipment at utility vehicles.
Kasama sa tinututukan ng mga ito ang mga sakop ng South Cotabato II Electric Coop.
Batay sa pinakahuling ulat, nasa 338,476 ang bilang ng mga consumer na naapektuhan ng malakas na lindol.
Tiniyak naman ng NEA na pinabibilis na ang re-energization para agarang maibalik ang mga pangunahing serbisyo sa mga lugar na pinadapa ng lindol.