Good news para sa mga komyuter dahil sa June 12 o sa Independence Day ay may libreng sakay sa mga piling oras ang Light Rail Manila Corporation (LRMC) sa LRT Line 1.
Magsisimula ang unang oras ng libreng sakay alas-7ng umaga hanggang alas-9 ng umaga, at magbabalik ito alas-5 ng hapon hanggang alas-7 ng gabi.
Para sa mga pasaherong may Beep card i-tap lang ito sa mga Automated Fare Collection System at wala nang mababawas sa balanse sa card. Para naman sa mga gumagamit ng Single Use Tichet, ay pumunta sa mga booth para makakuha ng libreng ticket.
Ayon sa LRMC layon ng libreng sakay na mahikayat ang publiko na bisitahin ang mga makasaysayang lugar at cultural heritage na karamihan ay nadadaanan ng LRT 1. Paraan din ito para maraming Pilipino ang makapunta sa paggunita ng Araw ng Kalayaan.
Matatandaan na ilan sa mga makasaysayang lugar na malapit sa LRT Line 1 ay ang Luneta o Rizal Park, Intramuros, National Museum, at iba pa.