Iginiit ni House lead prosecutor at Batangas Rep. Gerville Luistro na hindi puwede magkaroon ng dalawang Senate presidents, dalawang secretaries, o dalawang clerks of court sa Senado.
Ayon kay Luistro, nakakbahala na patuloy ang leadership crisis sa Senado habang papalapit na ang mga petsa ng pre-trial conference sa Hunyo 15 at 18 at ng trial proper sa Hulyo 6.
Ito ang sinabi ni Luistro kasunod ng pahayag ni dating speaker Alan Peter Cayetano na “interim administration” sa Senado kung saan parehong magkakaroon ng papel ang dalawang factions.
Sagot ng ladysolon.. hindi ito alinsunod sa saligang batas at mahirap ang dalawa ang namumuno sa institution.
Gayunpaman, sinabi niya na ang 11-member House prosecution team na kanyang pinamumunuan ay susunod sa stand ng House leadership, na kumikilala kay Sen. Sherwin Gatchalian bilang Senate president pro-tempore ng bagong Senado at bilang acting Senate president. | ulat ni Melany Reyes