Nagtungo si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa General Santos ngayon araw, June 10, upang personal na inspeksyunin ang pinsalang iniwan ng pagtama ng Magnitude 7.8 na lindol sa Mindanao na naramdaman sa iba’t ibang bahagi ng rehiyon.
Unang pinuntahan ng Pangulo ang St. Elizabeth Hospital.
Kasamang nag-ikot ng Pangulo si GenSan Mayor Lorelie Pacquiao at Hospital CEO Tony Veneracion. Kasama rin ng Pangulo si Education Secretary Sonny Angara.
Nakita ng Pangulo ang bitak at halos butas-butas nang pader ng hospital.
Ang mga nagbagsakang hollow blocks mula sa pader ng ospital, itinabi na muna sa gilid ng gusali, upang hindi na makasagabal sa daanan. Gayunrin ang mga natuklap na bahagi ng ceiling ng ospital.
Ang mga pasyente ng ospital ay inilipat na muna sa mas ligtas na bahagi ng gusali nito.
Kung matatandaan, sa situation briefing sa Malacañang, isa ang healthcare facility sa mga pinatututukan ni Pangulong Marcos,
Pinasiguro ng Pangulo ang walang patid na energy supply sa mga ospital at ang kaligtasan ng mga pasyenteng nananatili doon.
