Ibinasura ng Korte Suprema ang petisyon na inihain ng isang high school teacher na si Barry Tayam kaugnay sa nangyayaring gulo at ingay sa Senado.
Hiniling ni Tayam sa Korte Suprema na ideklarang valid ang quorum ng 12 senador sa nag-sesyon noong June 3 na nauwi sa pagpapalit ng liderato at paghalal kay Sen. Sherwin Gatchalian bilang Senate President Pro Tempore.
Batay sa sesyon ng Supreme Court En Banc ngayong Miyerkules, ibinasura ang petisyon ng high school teacher na si Barry Tayam dahil wala umano siyang legal standing para ihain ito.
Ayon sa SC, nabigo si Tayam na patunayan na siya ay nakaranas o posibleng makaranas ng direktang pinsala dahil sa mga aksyon na kaniyang kinukuwestiyon.
Samantala, respondent sa nabasurang petisyon ng guro sina Senators Alan Peter Cayetano, Pia Cayetano, at Loren Legarda.