Pinasisiguro ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang agarang imbestigasyon sa pagkasawi ng Ateneo de Manila student-athletes na sina Rene Baterbonia at Divine Adili.
Sa press briefing sa Malacañang, ipinaabot ni Communications Usec. Claire Castro, ang pakikiramay administrasyon sa mga naulilang pamilya ng mga mag-aaral.
Ayon kay Castro, walang ibang nais ang pangulo, kundi magkaroon ng mabilis na imbestigasyon sa pagkamatay ng mga ito, gaya ng mabilis na aksyon at imbestigasyon ng law enforcement sa ibang kaso.
Kaugnay nito, binigyang diin ng Palasyo na mas mainam na hindi muna husgahan ang insidente, sa kabila ng paglutang ng impormasyon na posibleng hazing ang naganap, sa halip na hindi training.
Sabi ni Castro, mas na maimbestigahan na ang insidente, upang malaman ang katotohanan. | ulat ni Racquel Bayan