Inaasahang all systems go na ulit ang Gensan International Airport para sa commercial flights sa lunes, June 15 matapos masuspinde ito dahil sa naging 7.8 magnitude na lindol sa Mindanao.
Ayon kay Civil Aviation Authority of the Philippines o CAAP Spokesperson Eric Apolonio inaasahang matatapos na kasi ang repairs sa airport ngayong weekend kaya mabubuksan na ang paliparan.
Sa tantsa naman ng CAAP umabot sa 150 miillion pesos ang gastos ng pamahalaan para ayusin ang Gensan Airport. Karamihan sa naging sira ay sa passenger terminal at sa tower nito na nasira ang kisame, at may mga salamin na nagcrack.
Sa ngayon bukas naman ang paliparan pero limitado lang ito sa government at humanitarian flights dahil nga sa repairs na ginagawa rito. | ulat ni Louisa Erispe