Kumusta ang biyahe pauwi, Kabayan?
Isa ka ba sa milyon-milyong Pilipino na araw-araw na nakikipagsapalaran sa kalsada para makarating sa trabaho, paaralan, at tahanan?
Mahabang pila, mabigat na trapiko, siksikan sa pampublikong sasakyan, kulang na pasilidad para sa mga naglalakad at nagbibisikleta, ilan lamang ito sa mga hamong kinakaharap ng ating mga komyuter.

Ikaw ba ngayon ay sumasakay ng jeepney, bus, o tren? Nagbibisikleta o naglalakad? O mas pinipiling magmaneho ng sariling sasakyan?
Sa espesyal na dokumentaryong ito ng Radyo Pilipinas, sisilipin natin ang tunay na kalagayan ng pagbiyahe sa Metro Manila. Kumusta nga ba ang lagay ni Juan sa lansangan? Ligtas pa ba? Maginhawa pa ba? At ano ang mga solusyong maaaring magbigay ng mas maayos, mas ligtas, at mas makataong paglalakbay para sa lahat?
Ating balikan at panoorin.
Ang pinarangalan bilang 2nd Best Story ng CFI Medias Terra Asia Project ang dokyumentaryong “Biyaheng de Paa” ni EJ Lazado, isang pagkilalang lalo pang nagbibigay inspirasyon para ituloy ang mga kwentong may saysay at may epekto sa bayan.
Balikan ang paglalakbay na ito at samahan kami sa biyaheng naglalapit sa tao, sa kapaligiran, at mas magandang kinabukasan.