Magsasagawa ng job fair ang Department of Labor and Employment-National Capital Region Manila Field Office, sa pakikipagtulungan ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila, Manila Public Employment Service Office, at SM City San Lazaro, bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-128 Araw ng Kalayaan ng Pilipinas sa June 12.
Pangungunahan ni Manila City Mayor Francisco “Isko” Moreno Domagoso ang programa at magbibigay ng mensahe kaugnay ng kahalagahan ng trabaho at oportunidad sa mga Manileño.
Dadaluhan din ito nina Manila City Vice Mayor Angela Lei “Chi” Atienza, Department of Labor and Employment-National Capital Region Manila Field Office Director II Engr. Martin Jequinto, at iba pang kinatawan ng mga katuwang na ahensya at pribadong sektor.
Gaganapin ang job fair sa SM City San Lazaro Activity Center mula alas-10 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon kung saan inaasahang makikilahok ang mga aplikanteng naghahanap ng trabaho at mga employer na magbibigay ng iba’t ibang oportunidad sa trabaho.