Photo from Senate of the Philippines FB
Nagpaabot ng pakikiisa at pagbati si Acting Senate President at SP Pro Tempore Sherwin Gatchalian sa publiko ngayong Araw ng Kalayaan.
Sa kanyang social media post sinabi ng senador na dapat gunitain din ngayong araw ang mga ninuno ng bansa na nagsakripisyo para sa bayan.
Sisikapin din umano ng senado na patuloy na makapagpasa ng mga panukalang batas na magbibigay ng magandang edukasyon, pangangalagang pangkalusugan, at marangal na trabaho sa mga Pilipino para maging malaya naman ang bansa sa kahirapan.
Samantala, naglabas din naman ng mga paalala ang acting senate president hinggil sa tamang paggamit ng demokrasya bilang isang malayang Pilipino.
Giit nya dapat maging aktibo at makiisa sa mga usapin sa bansa pero hindi dapat inaabuso ang freedom of expression, dapat din maging mapanuri sa mga kumakalat na balita lalo na at laganap ang disinformation ngayon, at dapat hindi matakot na maningil ng accountability sa public officials.
Panghuli naman nagpaalala din si Gatchalian na Vote Wisely, parte umano ng demokrasya ang bumoto ng tama sa halalan.
Kasama naman kanina sa Quirino Grandstand si Senator Sherwin Gatchalian ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para pangunahan ang paggunita ng Araw ng Kalayaan, at dito ay unang nakita na kinamayan ng Pangulo ang ngayo’y acting senate president.#