Patuloy ang pagbabantay ng Philippine National Police (PNP) sa mga aktibidad kaugnay sa pagdiriwang ng Ika-128 Anibersaryo ng Araw ng Kalayaan ngayong Biyernes.
Nasa 89,473 na mga pulis ang idineploy sa buong bansa para tiyakin ang seguridad at kaayusan ng mga makikibahagi sa rally.

Sa bilang na ito, mahigit 77,020 ang mga pulis, 1,975 ang mula sa iba’t ibang unit, habang nasa 10,478 ang mga force multiplier.
Batay sa datos ng PNP, nagsagawa kilos-protesta ang iba’t ibang grupo sa Maynila, Pasay City, at Quezon City kung saan naitala ang nasa 920 na indibiwal ang nakibahagi sa mga aktibidad as of 12 NN.

Pinakamaraming naitalang crowd estimate ay ang rally sa may National Museum sa Maynila na nasa 500 indibidwal.
Sa ngayon, karamihan sa mga kilos-protesta ay nagtapos na maliban na lamang ang kilos-protesta sa Senado.