Nanawagan si House Speaker Faustino “Bojie” G. Dy III sa mga Pilipino na tiyaking ang kalayaan ay nagsisilbing daan tungo sa pag-unlad at mas magandang buhay para sa lahat.
Ito ang mensahe ng House leader sa pagdiriwang ng ika-128 anibersaryo ng Araw ng Kalayaan ng Pilipinas.
Ayon kay Dy, hindi magiging ganap ang diwa ng kasarinlan kung marami pa ring mamamayan ang hindi nakikinabang sa mga oportunidad ng pag-unlad.
Binigyang-diin ng Speaker na ang tunay na kahulugan ng kalayaan ay hindi lamang ang paglaya mula sa pananakop kung hindi ang sama-samang pagkilos upang makabuo ng isang mas maunlad, makatarungan, at matatag na lipunan.
Ibig sabihin.. ang kalayaan ay dapat magbubukas ng oportunidad para sa bawat Pilipino gaya ng disenteng hanapbuhay, dekalidad na edukasyon, at mas magandang kinabukasan para sa kanilang pamilya.#