Halos isang buwan matapos ma-repatriate mula sa Kuwait, muling naghahanda ang overseas Filipino worker (OFW) na si Olivia Cayago na magtrabaho sa ibang bansa.
Kasama siya sa mga aplikanteng pumila sa DMW Mega Job Fair dito sa Robinsons Galleria.
Sa tulong ng Committee on Alternative Labor Market Interventions (CALMI) ng Department of Migrant Workers (DMW), tinututulunagn ang mga repatriated o nagbabalik na overseas Filipino workers na makahanap ng oportunidad sa trabaho.
Ayon kay Olivia, nais pa rin niyang makapagtrabaho sa abroad para makatulong sa kanyang pamilya, ngunit hindi na muna umano siya babalik sa Middle East.
Aniya, umaasa siyang makahanap ng trabaho sa kahit anong bansa.
Ayon sa DMW, nasa 15 repatriated OFWs ang nagparehistro sa DMW Job Fair para makahanap ng panibagong oportunidad sa trabaho.
Bukod sa job fair, mayroon din silang job matching website na tumutulong sa mga aplikante na makahanap ng angkop na trabaho batay sa kanilang skills at experience.#